User Name  Password
Remove ads
Today | Join | Member | Search | Who's On | Chat Room | Help | Shop | Sign In | | | | | Follow Aimoo_Com on Twitter
Title: Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
Hop to: 
Views:35487     
New Topic New Poll
<<Previous ThreadNext Thread>>
Page 19 / 22    
AuthorComment
Paruparung_Ligaw
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 541# 



Rank:none
Score:60
Posts:12
From: USA

Re:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:05/25/2009 18:31:25)

Bulaklak ng Parang, ikaw ay aking babantayan dahil tunay kitang kaibigan, aaaaaahhhhhhhhh teka, dali, magtago ka, hala hala dumarating si bubuyog, umiwas, umiwas huwag hayaang lumapit, panusok niya'y nakakasakit. Nariyan at umaaligi-ligid kung saan napadpad ang diwa, alam ko ang kanyang iniisip at mga panaginip.  Nagmamahal siya sa isang taong kanyang natagpuan ngunit litong lito naman sa kanyang nararamdaman.  Tingin ng isang kaibigan sa kanya'y nag-aalala.  Kaibigang bubuyog sundin na lamang ang pusong isinisigaw at lilitaw din ang minamahal balang araw.  Palayain ang sarili sa damdaming nakalibing dahil sa pagsinag ng liwanag baka isa sa kanila ang siyang magiging pag-ibig at lakas.  At sa iyo, kung ang kasiyahan ng katulad mo ay pagsimsim ng nektar at ang bulaklak ay isang bukal na buhay, kasiyahan din naman ng kaibigan kong bulaklak sa Parang na magbigay ng nektar kung ito ay kinakailangan.  At sa inyong dalawa kung ang pagbibigay at pangtanggap ng kasiyahang dulot ay isang pangangailangan at isang lipos na pag-ibig, ang paruparo ay inyong kaibigan sapat na matanaw ang isang kaligayahang umaapaw.  Napakagandang pagmasdan ang mga kulay nitong nagbibigay kaligayahan.  Kahit manhid na puso'y nagkakaroon ng pakiramdam.

usertype:6 tt= 0
Support us

Create free forum and click the links below and your donations will make a difference here.

www.dinodirect.com

A Huge Online Store for Various Cool Gadgets, Accessories: Laser Pointer, Bluetooth Headset, Cell Phone Jammer, MP3 Players, Spy Cameras, Soccer Jersey, Window Curtains, MP4 Player, E Cigarette, Wedding Dresses, Hearing Aids, eBook Reader, Tattoo Machines, LED Light Bulbs, Bluetooth Stereo Headset, Holiday Gifts, Security Camera and Games Accessories and Hobby Gadgets.  
Paraluman
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 542# 



Rank:none
Score:70
Posts:14
From: Philippines

Re:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:05/26/2009 10:04:49)

 Sa bawat ikot ng mundo at bawat nilalang ay may kaakibat na ligaya, lungkot,saya, lumbay,at pighati na ang dahilan ay PAG-IBIG. Pag-ibig sa bawat puso na dahilan ng ganap na kaligayahan o kasawian.

Hoy! andito pala ang mga kaibigan ko, muling iinog ang umagang kay ganda sa ating lahat.Payapa na ang unang silid sana may pag-ibig na sumakop sa bawat isa doon sa unang silid na sumisilip.

Kay Boyong na hanggang ngayon naghahanap pa rin ng tunay na pag-ibig,hwag ka sana mainip dadating din ang pag-ibig na iyong hinahanap. Alam mo magkasing katulad kayo ni Diwata na naghahanap ng tunay na pag-ibig. Di kaya kayo ang para sa isa't isa. Naalala ko yong isang kwento ng isang Serena na naghahanap ng tunay na pag-ibig para maalis ang sumpang bumabalot sa kanyang pagiging serena at maging ganap na isang magandang dalaga kung mahahanap ang tunay na pag-ibig. Ikaw Boyong ganoon din ba? Kaya ka naghahanap ng tunay na pag-ibig dahil may naka kubling mysteryo sa pagkabubuyog mo. SAGOT!
Pero SAAN, KAILAN AT SINO ANG MAGBIBIGAY NG TUNAY NA PAG-IBIG? Iiwan ko sa inyo ang katanongang ito upang mabigyan linaw sila Diwata at Boyong sa paghahanap ng tunay na pag-ibig. At baka sakaling makatulong sa kanila ang mga sasabihin ninyo.
Ako'y magpapaalam dahil may tunay na pag-ibig,
Paraluman


usertype:6 tt= 0
batute_mangingisda
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 543# 



From: USA

Re:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:05/27/2009 07:53:45)

  SAAN, KAILAN DADATING ANG TUNAY NA PAG-IBIG. SINO ANG MAGBIBIGAY NG TUNAY NA PAG-IBIG?
MATANDA NA AKO MGA APO PERO BAGO ANG LAHAT ISANG PAGPUGAY NG MAGANDANG ARAW SA INYONG LaHAT.

SAAN ANG TUNAY NA PAG IBIG? ALAM KO ITO'Y NASA PUSO NG BAWAT ISANG NAGMAMAHALAN.
KAILAN DADATING ITO? KUNG ANG BAWAT NILALANG AY NATUTUTONG UMIBIG AT MAGMAHAL.
AT KUNG SINO ANG MAGBIBIGAY NG TUNAY NA PAG-IBIG AY YAN ANG HINDI KO MASASAGOT DAHIL ITO'Y PARANG MAGNANAKAW LANG NA BIGLANGDADATING SA BAWAT BUHAY NG MGA NILALANG. PERO H'WAG MAG-ALALA ITATANONG KO KAY MARINA AT DUGONG BAKA ALAM NILA.

AKO'Y MAGPAPAALAM SA INYONG LAHAT,
GENERAL BATUTE
usertype:5 tt= 0
BOYONG_BUBUYOG
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 544# 



Rank:none
Score:35
Posts:7
From: USA

Re:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:05/27/2009 08:37:41)

Magandang  umaga sa inyong lahat.

Kalugod-lugod basahin ang mga isinasaad na pagaalala, pagbibigay haka-haka, pagtulong at pagpapayo ninyo mga kapatid at kaibigan, sa suliranin at pangamba sa pag-ibig ng inyong abang kaibigang bubuyog.  Isa lamang akong pangkaraniwang bubuyog na nagmamatyag at nagbabakasakaling ang madadapuang bulaklak ay nagtataglay ng tamang nektar,  na siyang muling magpapadaloy ng dugo ng pag-ibig patungo sa aking pusong uhaw at salat sa pagmamahal.

Sa iyo Kaibigang diwata, huwag ka sanang malito o magulo sa takbo ng mga pangyayari sa aking lovelife.  Bubuyog lang ako na tumutugon sa bulong ng puso at handang patulugin ang puso upang gisingin muli sa pagdating ng tamang panahon.

Kaibigang Paruparo, kahanga-hanga ang iyong pagtatanggol sa kapakanan ni Bulaklak  sa Parang. Tila ba matagal na panahon na kayong magkaibigan back in high school. Nguni’t huwag kang magalala kaibigang paruparo sa aking “panusok na nakakasakit”,  galing na ako sa beterenaryo and I “neutered my stinger” kaya safe lang ako.

Salamat din sa pangunawa mo paruparo at sa malawak na pagtanaw  pangyayaring hatid ng misteryo ng tunay na pagiibigan. Natagpuan ko kay bulakalak ang nektar na matagal ko nang hinahanap at sa pagkakataong ito ay muli niyang pinadaloy ang dugo ng pagibig sa aking pusong matagal ng nahimatay. Taglay niya ang nectar na naging susi upang muling mabuksan ang nakakandadong puso at muling sumabak sa larangan ng pagibig.  Subali’t ngayon  ay mas magiging maingat at sukat ang bawa’t hakbang sa pagtahak sa panibagong daan patungo sa panghabambuhay na pagmamahalan.

Hanggang sa muli.

 

usertype:6 tt= 0
alamid_t4
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 545# 



Rank:none
Score:420
Posts:84
From: Philippines

Re:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:05/27/2009 10:27:43)

hehehehehehehehe magandang umaga sa nagtanong tungkol sa tunay na pagibig.
una,
SAAN?????  ang sagot ko ay sa lugar na ibibigay ng alagad ng Diyos o isang hukom sa isang seremonya sa simbahan o bulwagan na tinatawag nating  kasal ngunit nasa puso ang tahanan ng pagibig na binibigyang katwiran ng isipan maging panandalian o pangmatagalang pagiibigan. sa isang sagradong lugar ang sumpaan ng tunay na pagibig at kontrata na pagyamanin habang buhay. minsan dito sa internet ay pede na ngayon.
KAILAN?????  ang sagot ko ay sa panahon na kung parehas na handa ang bawat isa. walang hanganan ang pagibig kung kailan daratal. kahit parehas ng ulyanin ay may pagibig pang nabubuo. kaya payo ko na wag mawalan ng pagasa kung sakaling ikaw ay naghihintay sa pagdating ng tunay na pagibig..minsan pag naiinip na ay pede na din dito sa internet
SINO????? depende yan kung sino ang pipiliin mo na ikaw lamang ang makakapagpatunay ng totoong pagibig na iniuukol sa iyo. maaaring ako siya o sinomang may dalisay na pagibig sa iyong paniniwala. ngunit magkaminsan ay pawang pagkakamali dahil sa balatkayo. maaari ding taong nakakubli sa alyas ngunit totoong tao pala. sa panahon ngayon kahit sa internet ay may napipiling tunay na pagibig na nagtatagal ng siglo at mayroon ding panandalian lamang.

Nakaligtaan mong itanong ang BAKIT????? bakit kailangang magmahal????? bakit ikaw pa?????? o bakit ngayon lang????? madaming katanungan na dapat mabigyang kasagutan dahil damdamin ang nakataya sa sugal ng pagibig.
 
pansamantala ay ipagpaumanhin ninyo ang aking pagtatapos nang may pagkabitin. Kayo na lang ang sumagot sa huling katanungang nakaligtaan.. 

Ako pa din,
Alamid
.
usertype:2 tt= 0
diwatangkakahuyanglupa
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 546# 



From: USA

RE:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:05/27/2009 15:19:17)

SAAN matatagpuan ang tunay na pag-ibig, gusto ko lang ipahayag ang aking opinyon na hindi lahat ng humaharap sa alagad ng Diyos o kung saan seremonyas ng KASAL ay matatawag na tunay na pag-ibig.Papaano na lang yong tinatawag na " Pikot, Kasunduan ng bawat pamilya,napipilitan at yong na kakasal ng walang pag-ibig dahil may mga dahilan." Hindi dito makikita ang isang tunay na pag-ibig.Para sa akin ang tunay na pag-ibig ay walang kapalit,hahamakin ang lahat masunod lamang.

Kung "KAILAN," dadating yan kung talagang nakalaan para sa karapatdapat.
Kung " SINO, "  ang tinitibok ng iyong pusong umiibig,at nagmamahal ng walang kapalit at pag-iimbot.

Ang tanong na " BAKIT"... kailangan magmahal,bakit ikaw pa at bakit ngayon lang???
Kasi maybuhay at maypakiramdam na umibig,ang hirap naman ito kasi puso lamang ang may-alam kung bakit.Kasi mahiwaga ang pag-ibig.Bakit ikaw ang iniibig ko? Kasi ikaw ang tinibibok ng pusong nagmamahal at umiibig.Bakit ngayon ka lang dumating  sa buhay, pilit binubuksan ang sarado kong puso.Ikaw ba'y nararapat sa akin, nais kong malaman bakit ngayon ka lang dumating... isang awit na nagtatanong.Kaya ito ang sagot sa lahat ng mga tanong mo, isang awit dito ang sagot ay matatagpuan mo.

Akoy pansumandaling magpapaalam sa inyong lahat,
Diwata


 




usertype:5 tt= 0
Paruparung_Ligaw
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 547# 



Rank:none
Score:60
Posts:12
From: USA

RE:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:05/27/2009 22:02:53)

PARA SA INYO MGA KAIBIGAN

    

NANGYARI ANG LAHAT SA ARAW NA ITO
BUONG MAGKAKAIBIGAN AY NAGTIPON TIPON
INIISIP NA HINDI PA NAMAN KATAPUSAN
MAY SUSUNOD PA, OO NGA NAMAN.

PAGKAKAIBIGANG MATIBAY AT DI NALULUMBAY
KAHIT KAILAN HINDI HAHAYAANG MAWALAY
DUMATING MAN ANG MGA KAAWAY
SAMA-SAMANG MAGKAWAK KAMAY.

SA ATING MGA  PROBLEMA'Y HANDANG NAGTUTULUNGAN
PAG TAYO'Y  MAGKASAMA, LAGING NAGBIBIGAY LIGAYA
BASTA'T LAGI NINYO LANG PAKATATANDAAN
MAGKAKAIBIGAN,  LAGI TAYONG NARIRIYAN.

HINDI MAGLALAHO ANG ATING PAGKAKAIBIGAN
TAON MAN O ILANG DEKADA PA ANG DUMAAN
ALAM KONG MIMINSAN NA LANG TAYO NAGTATAGPO
PERO MANANATILI KAYONG MGA KAIBIGAN KO.

 MGA AWIT KO AY AKING MULING KINAKANTA
NANINIWALA AT UMAASA PA RIN NA SANA,
NA DI MAWALA ANG KASIYAHANG  NADADAMA
TOTOO AT TUNAY KONG KAIBIGAN AY KAYO.

 SALAMAT MGA KAIBIGAN SA INYONG PAGDAMAY
AT AKO'Y NAKAWALA SA TANIKALA NG LUMBAY
KAYA MGA KAIBIGAN NA SIYANG TUNAY NA KATOTO
SA INYO AKO AY NAGPAPASALAMAT NA TOTOO.



(Message edited by Paruparung_Ligaw On 05/27/2009 22:05:24)
usertype:6 tt= 0
kwago
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 548# 



Rank:none
Score:90
Posts:18
From: USA

Re:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:05/28/2009 07:17:48)

Sana ay matulungan niyo po ako sa aking suliranin. Tawagin niyo na lang po akong si Berto, 28 taong gulang at tapos po ako ng pag-aaral bilang isang inhienyero sa isang malaking unibersidad dito sa Maynila. Di na po ako magpapaligoy-ligoy pa, Umiibig po ako sa matalik kong kaibigan nuon pang grade school kami. Si Janette po ay ipinanganak na dalawa ang kanyang sari, Hermaphrodite sa ingles. Nuong bata pa kami ay alam ko na ang kanyang dobleng kasarian pero binale-wala ko lang iyon dahil mabait na kaibigan siya at kilala pa siya ng lahat nuon bilang si Juanito anak ng siga-sigan'g ama na puno ng tattoo sa katawan. Ngakahiwalay kami ni Juanito nuong high school at ng huli kong mabalitaan ang buhay niya ay ng bumalik siya sa Maynila galing sa ibang bansa. Babae na siya at napaka-ganda at dala niya pa rin ang mabait na katangian. nag-sama kaming muli bilang mag-kaibigan dahil ako lang ang nakaka-intindi sa kanyang katauhan at dahil na rin sa mahal ko siyang kaibigan. Ngayon po ay unti-unti na akong umiibig sa kanya at dama ko na ganuon din ang pakiramdam niya sa akin. Tama po bang ituloy namin ang aming pagtingin sa isa't-isa bilang magkasintahan? Nag-aalala din po ako sa sasabihin ng mga magulang namin.Maituturing bang pagiibigan ng mga bakla ito? Tulungan niyo pong ipaliwanag sa akin ang mga bagay na ito.

usertype:6 tt= 0
kwago
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 549# 



Rank:none
Score:90
Posts:18
From: USA

Re:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:05/28/2009 07:34:13)

Isa pang kwento ng kakaibang pagmamahalan,,,,,,

MAHAL NI Lover Boy si Honey Girl. Kaso ayaw ng tatay na pastor ni Honey Girl kay Lover Boy. Kasi hindi siya kapanalig sa kanilang relihiyon. Pero naging pursigido pa rin si Lover Boy na manligaw kay Honey Girl.

Dati, ang gusto ni Honey Girl ay ang kabarkada ni Lover Boy na si Rocker Boy. Kaso, torpe si Rocker Boy kaya umepal si Lover Boy. Kaso, talagang walang gusto si Honey Girl kay Lover Boy, kahit pa binilhan pa siya nito ng cake at lobo noong nag-bertdey siya.

At dahil talagang torpe si Rocker Boy at olats naman si Lover Boy sa puso ni Honey Girl, may umepal na isa pa nilang kabarkadang mangingibig... si Good Boy. Low profile ang gimik ni Good Boy kaya nagulat ang lahat nang napasagot niya si Honey Girl. Syempre, sino ba naman ang hindi mapapa-oo sa lalaking mahilig manlibre ng sine, hindi nagmumura, mama's boy, at palasimba. Kahit siguro sikmuraan sa Cowper's Gland e hindi papalag itong si Good Boy. Sasagot lang ito ng "may araw ka rin kay Lord..."

Pero bati-bati pa rin naman ang mga magkakabarkada kahit na nabiktima silang lahat ng alindog ni Honey Girl.

Ngayon ay may mga ibang prospect na itong si Lover Boy. Medyo olats pa rin pero at least maraming pinagpipilian, sa isip-isip niya. Ito namang si Rocker Boy, nagkasyota na rin, isang babaeng dugong bughaw. Kaya minsan, hindi na siya maaya ng ibang kabarkada kahit man lang maglaro ng Monopoly. At siyempre, growing stronger pa rin ang drama ng mag-syotang Good Boy at Honey Girl. Siguro pagbalik galing Dubai ng tatay na pastor ni Honey Girl e ikakasal na ang dalawa. Amen.

usertype:6 tt= 0
Ex-member
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 550# 



RE:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:05/28/2009 12:20:18)

SA INYO MGA KAIBIGAN,

ISANG MAALAB NA UMAGA SA INYONG LAHAT ANG AKING PAGBATI,MAY KATAGALAN NA RIN ANG AKING PAGLILIBAN SA ATING SILID TALAKTAKAN AT TILA AY NAHIHIWALAY NA AKO SA DALOY NG MGA USAPAN,SA AKING PAGMAMASID-MASID SA KAPALIGIRAN AT AKING NAMALAS ANG MGA KUWENTO NG PAG-IBIG NA MALIOMIT MAY KALITUHAN SA ATING KATAUHAN,NA SA KABILA NG MAAYOS AT PANATAG NA PAMUMUHAY AY MARAMI PARING MGA KATANUNGAN NA MAHIRAP NATING HANAPIN ANG MGA KASAGUTAN,MALIMIT PARING KINUKUROT KUROT ANG AKING DAMDAMIN SA MGA MAGAGANDANG PAGKAKATAON NA BIHIRA LAMANG DUMATING SA AKING KATAUHAN, SA BANDANG HULI AY PURO PANGHIHINAYANG AT KAKAPUSAN NG KAALAMAN,MADALAS KONG ISAISANTABI ANG MGA MADILIM NA BAHAGI NA IYON ,SUBALIT MALIMIT AY KUMAKATOK SA PUSOD NG PANAGINIP,SA AKING PAGLALAGALAG AY AKING NAMATAAN ANG ISANG BINIBINI NA NAG PAKISLOT SA AKING NGITI HINDI MAN SIYA KAGANDAHAN AY MAHARLIKA NAMAN ANG KANYANG KATAUHAN,AKIN SIYANG NAKADAUPANG PALAD SA ISANG TAMBAYAN NG MGA KAIBIGAN AT SA ISANG IGLAP LAMANG AY NABIGHANI NG KANYANG KAINOSENTIHAN SA ATING MGA WIKANG GINAGAMIT,MAY PANUNUDYONG NGITI ANG NAMUMUTAWI SA AKING MGA LABI SA TUWINA`Y ITATANONG NIUYA KUNG ANO ANG IBIG SABIHIN NG IBANG MGA KATAGA,HINDI MAN NIYA BATID AY AKIIN SIYANG HINANGAAN AT ISAMA SA AKING PANAGINIP SA TUWI-TUWINA,MAAARING SA MGA SUMANDALING ITO AY AKIN NANG NAKALIMUTAN SI ANA NA MATAGAL KO NANG HINAHANAP,SA NGAYON AY MULI KO SIYANG AAKAYIN SA AKING PAGTULOG AT MASIGLANG MAGHABULAN SA DALAMPASIGAN,AKIN MUNANG IPIPINID ANG BAHAGING ITO AT AKO1Y MAGPAPAALAM NA MUNA SA INYO MGA KAIBIGAN,HANNGANG SA MULI

AKO ITO
STYX
diwatangkakahuyanglupa
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 551# 



From: USA

Re:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:05/28/2009 15:52:04)

Paumanhin kaibigan sa aking kapahangasan sa pagpakialam ko sa kwentong pag-ibig mo. Di naman siguro kalabisan kung sakaling magpahayag ako at dugtungan ang iniwan mong bitin na kwento. oh ! h'wag ka lang maging elebensyon, kasi sobra sa tensyon ka ngayon... hehehe.

Saksi ako sa iyong kaligayahang na tamo kagabi sa piling ng isang Binibini.Sa totoo lang di aksidenting na kilala mo ang Binibini, ako mismo ang nagpakilala sa iyo nangmagkitakita tayo sa tambayan upang iyong kalimutan si Ana mo.

Hindi masama ang magmahal ka ulit, masaya nga ako para sa iyo,upang ang mga kurot kurot at kirot sa iyong puso ay ma pawi na,pero nais ko lang ipaalala sa iyo na h'wag magpadalusdalos sa bugso ng iyong damdamin na nagkaka elebensyon ngayon dahil subra sa tensyon nga.Ang pag-ibig ay matalinghaga at mahiwaga dahil sa taglay nitong mysteryo.Kaya ingat lang sa damdaming sumisisid sa pusod ng iyong kaisipan a damdamin.

Ayaw kong mapahamak ka at ayaw ko ring magkamali ka, dahil ayaw kong pagsisihan na pinakilala kita  sa Binibining hindi ko pa rin lubusang kakilala ang tunay na katauhan.Kaya ibayong ingat lang kaibigan.Kasi yang Binibining pinakilala ko sa iyo ay laging na tatanaw lang sa may bintana. Mahirap na baka yan ay binibining matcho,alalahanin mo ang awit tungkol sa babae sa bintana.

Hangad kong iyong pag-iisipang mabuti at lilimiin ng wasto ang bawat angulo ng buhay na iyong hinaharap.Nga pala bago ko makalimutan ang pangalan ng Binibini kagabi si "ROSEANN" 
Hanggang sa muli,
Diwata
usertype:5 tt= 0
Ex-member
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 552# 



RE:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:05/29/2009 01:30:30)

SA IYO MARIKIT NA DIWATA,

LUBOS ANG AKING PASASALAMAT SA IYONG PAALALA KAIBIGAN,BAGAMAT MAY KALITUHAN SA IYONG DIWA ANG AKING PAGHANGA KAY MARIKIT NA BINIBINI AY HINDI NANGANGAHULUGAN NA AKO`Y UMIBIG NA SA KANYA,MARAMING KAHULUGAN NG PAGHANGA,,TULAD NG KABAITAN,KARIKITAN,AT KAGANDAHANG PAG-UUGALI, KAYA WAG KANG MABAHALA SA AKIN MARIKIT NA DIWATA ,HINDI LINGID SA IYONG KAALAMAN NA MAY PANANAGUTAN NA AKO BILANG ISANG HALIGI NG TAHANAN,NAISIN KO MANG DAYAIN ANG AKING SARILI AY HINDI KO MAGAWA SA KADAHILANANG AKO`Y HINDI NA MALAYA! ISANG MALAKING BAKAL NA BILOG ANG NAKATANIKALA SA MAGKABILA KONG PAA !MINSAN AY PATI KAMAY NARIN,NATUTUWA LAMANG AKO SA KANYANG KARIKITAN AT ANG KANYANG MGA HAGIKGIK NA ANIMO`Y KINIKILITI NG KUNG ANO,TULAD DIN NATIN SIYANG NAGHAHANAP NG MGA KALINGA SA MGA KAIBIGAN,AKIN NGA SANANG SIYA`Y HAHARANAHIN KASAMA SI BADONG AT ALAMID PARA DUMUNGAW SA KANYANG BINTANA NA LAGING NAKALUMBABA,BAKA NAIS MO RING SUMAMA SA AMIN PARA MAYROON KAMING TAGASAYAW NG PANDANGGO SA ILAW,AKIN KANG BIBIGYAN NG KAUKULANG PANAHON PARA MAKAPAG-ISIP-ISIP,PAALAM MUNA SA IYO KAIBIGAN,HANGGANG SA MULI,

AKO ITO
STYX
diwatangkakahuyanglupa
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 553# 



From: USA

RE:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:05/29/2009 02:58:46)

mabuti naman kaibigang Styx at hindi pa pag-ibig ang lumadaloy sa iyong pagkatao sa paghanga sa marikit na Binibini. At sana nga hindi rin pangparikit yan dahil dilikado sa sunog.

Yan din ang isa pang nakakapag-alala sa akin, ang isang haligi ka ng tahanan, pero sa wari ko kaibigan h'wag kang magdamdam sa aking katanungan, iyan bang iyong tahanan ay may haligi ba? Parang sawari ko ay wala, paki tingin nga lang diyan ha.

Kaawaawa ka pala kaibigan sa iyong kalagayan, bakit ka pumayag na itanikala ka sa dalawang paa at gayon din sa kamay.Papaano na ang iyong mga pangangailangan sa araw araw na gawain,  gaya na lang kung ikaw ay kakain, ang paggamit ng palikuran sa oras ng iyong pangngailangn, buti sana kung nasa tabing ilog ang iyong tahanan. Kung aking isisilid sa aking balintataw ang iyong kahunus hunos na kalagayan, na paka walang budhi ang may gawa sa iyo. Gusto mo bang tumawag ako ng 911 upang ikaw ay matulungan? Baka naman si Roseann ang iyong kailangan.

Maghihinaty ako sa iyong katugunan,upang si Roseann ay mapagsabihan.
Ako pa rin ito,
Diwata
usertype:5 tt= 0
Matanglawin
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 554# 



Rank:none
Score:100
Posts:20
From: Philippines

Re:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:05/29/2009 12:11:42)

Wala talagang katulad ang ligayang hatid ng inyong mga kuwento ng pag-ibig. Alam kong medyo matagal na rin akong lumiban sa ating silid at tulad ni kaibigang Styx ay tila naanod na rin ang aking tinatahak na gabay ng landasin sa masalimuot na pagtunton sa mga bagong kaganapan. Nanumbalik tuloy ang isang awiting kanina ko pa hinihimig ngunit di maituloy, ito ay mula kay Eddie Perigrina na ganito ang simula.
Malilimutan ko paba aking mahal?
Ang maligayang araw nating nagdaan
habang ako'y nag-iisang nalulumbay,
Ang ala-ala ay ikaw.

Kaya't wala ng pumalit sa isip ko,
Kundi ang ala-ala ng pag-ibig mo,
Asahan mong hindi ka na mawawala,
dito sa aking gunita.

Pakituloy na lang mga kaibigan medyo kinapos. Alay ko nga pala ito sa  mga umibig ng kapos, umibig ng tapat, nagmahal ng tunay at namuhunan ng pusong dalisay!

hanggang sa muli,
Badong
usertype:6 tt= 0
alamid_t4
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 555# 



Rank:none
Score:420
Posts:84
From: Philippines

Re:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:05/30/2009 11:26:37)

Kamusta kayo mga kapanalig? Sa dami ng mga panauhin at kwento ng buhay at pagibig ay nalihis ako ng pagtunton at lubhang nalito kung sino ang uunahin kong sagutin o magambag ng kaisipan hingil sa kanilang isinaad. Nakatutuwang malaman na kaalinsabay na dumarami ang bilang ng pagsilip sa pitak na ito. Sa aming mga walang magawa sa buhay ay naging isang libangan na at nagmistulang kagawian sa bawat araw na darating at lilipas. Sa mga kaibigang abala naman sa pakikibaka sa buhay ay sapat na ang makapagbasa at humagikgik ng walang puknat at magkaminsan ay nakadarama ng pagkaawa o pagkalungkot sa kaibigang nagsaad ng suliranin.
Sa ngayon, ang aking napapansing masayang kwento ng pagibig ay ang kay Boyong Bubuyog at kay kaibigang STYX. Tulad ko din silang magiting na mangingibig na pinahahalagahan ang nakalipas na pagsinta gaya ng pagpapahalaga sa pangkasalukuyang pagibig. May halong pagkasalawahan man ay hindi ko maituturing na ganun nga dahil ninanamnam lang naman ang naiwang pinagsaluhang masasayang oras na umuukilkil sa tuwinang magbalik diwa sa nakalipas. Gaya ni Diwata na di mapakali sa mga susunod na kabanata ng pagibig na darating kami man ay nasasabik malaman ang bukas.
Sana manawari ay hindi tayo mabigo sa ating mga balakin maging sa larangan ng pagibig o kahit sa pagtahak ng ating buhay.
Pansamantala, aking ibabalik ang pagsubaybay sa mga naudlot na pagibig ng ating mga kapanalig.
Sumusubaybay,
Alamid
usertype:2 tt= 0
diwatangkakahuyanglupa
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 556# 



From: USA

RE:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:05/31/2009 03:35:01)


Totoo ka nga kaibigang Alamid, sa bawat araw araw na dumadaan lubos ang aking pagkainip sa araw ng aking pag-alis patungong Inang Bayan kung saan sa isang pulo doon mananahan.Ang di mapakali at pagkainip na halos hatakin na ang mga oras at minutong nagdadaan.

H'wag kayong mag-alala kung may pagkakataon makapasok dito sa ating silid,babalitaan ko kayo sa bawat araw-araw na pangyayari sa aking paruruunan at  aking ibabahagi ang mga pangyayari. Malay ninyo makita ko doon ang tunay na pag-ibig di ba?

Baka unang masilayan sapapatunguhan ay ang dating kaibigan na sa akin ay na walay ng matagal. Balita ko nasa isang pulo siya nakatira at doon nanggagamot, isang pulo na kung saan malapit sa isla ng APO.

Sa kaibigang Styx paumanhin, di ko matutugon ang pakiusap mong sumama sa inyo upang si Roseann ay maharana at maalayan ng isang sayaw ko sa pandago sa ilaw.Lubha akong abala sa aking pag-uwi sa Inang Bayan sa susunod na linggo.

Malalim na ang gabi sa kinalalagyan ko,kaya'y magpapaalam sumandali
sa inyo. Ako ito,
Diwata

usertype:5 tt= 0
Paruparung_Ligaw
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 557# 



Rank:none
Score:60
Posts:12
From: USA

Re:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:06/01/2009 01:27:48)

Ang silid na ito ay mistulang hardin, punong puno ng bituin at naglipana ang paruparong katulad ko, bubuyog, Diwata at bulaklak na humahalimuyak sa bango. Nandiyan din si Paraluman, kaakit-akit ang kagandahan na napapansin ninuman tulad ni Styx at Alamid na ating kaibigan.  Inasam makapukol ng pansin kahit ngting malambing at di pagkait na bigyan ng kasiyahan at kalutasan sa mga hinaing ng aming mga kaibigan.
Sa kaibigang bubuyog, tila napakalungkot ng iyong dinanas sa larangan ng pag-ibig,  Ngunit hanggang ngayon ako'y litong lito, di makapaniwala sa kakisigan at maamong mukha, di akalain makamit mo ang pagkabigo, bakit nga ba? Kailan pa at kanino?  Sa unag pag-ibig na di nag-work out ang inyong relasyon, sa pangalawang pag-ibig, kasama ngunit di maligaya.  Di kaya ikaw din ay maysala, ipagpaumanhin mo kaibigan na napakatabil ng aking dila.  Di kaya di malimut-limutan ang isang wagas na pag-ibig na nakatago sa iyong puso at ngayon ay muling nagtagpo ang inyong landas.  Siya nga, siiya nga, kaya pala may nababanaag akong mga ngiti sa iyong labi at kasiyahan sa iyong mapupungay na mata.  Mula masipsip mo ang nektar ng kaibigang bulaklak sa Parang.  May kung anong sumipa sa iyong dibdib at bumilis ang pagtibok nito.  Aanhin ang pagkakataon, huwag aksayahin ang panahon, naniniwala ka ba sa nakatakda?  Likhain ang tadhana sa isang mahiwagang salita, dalawang buhay ay magkatugma hatid mo'y makapangyarihang salita na "mahal mo siya".
Sa iyo kaibigang Styx, ako ay napahanga sa pagiging tapat sa iyong tunay na minamahal.  Kahit sino pa ang ipakilala, di binigyan ng pansin.  Dahil ang pag-big mo ay wagas at tapat, damdaming di makakaila at kahanga-hanga para sa taong minumutya.
Kailangan din naman minsan ay magkaroon tayo ng kasiyahan sa ating kaharian at di puro kalungkutan.  Nais ko sanang ipaalam sa kaibigang Alamid na idonasyon ang napakalaking isda na hawak niya at ating ihanda sa gagawing piging o handaan. Aking tatanungin si kaibigang Styx na magdala ng lambanog na galing sa baryo ng Matain.  Si kaibigang Diwata na kasing ganda ng buwan ay magpaunlak na magbigay ng liwanag sa ating kagubatan. Aking aanyayahan si Bulaklak ng Parang upang sumayaw, aking nabalitaan na mahusay siyang umindak lalo na kung ang tugtug ay Bubuka ang Bulaklak, dadaan ang reyna..Reyna? Ah si Paraluman...reyna ng kagandahan, napakaamo at kaakit-akit ang ganda.  Aking inaanyayahan si kaibigang kuwago, Batute at matanglawin sa kasiyahan sa ating kaharian.  Ating simulan ang ating kasiyahan, mag-inuman ng lambanog (naku napakatapang ata nito) at isdang pulutan.  Itong ating kaibigang Bulaklak sa Parang ay may kalokohan, nais niya ulit akong makitang nakainom, dahil ako raw ay humahalakhakk sa galak, nagpapapalakpak at nagpapapadyak, sasabihing ako ay may sapak, pawis sa kili-kili ay tumatagaktak, ngalay sa panga ay walang humpay sa saya at ako daw ay napapahandusay.  Hangang siya naman ay maihi at namamalipit sa kalokohang hitik na hitik sa ligayang hatid.  Sasabayan naman niya ng sayaw sa tugtug na  bubuka ang bulaklak at hhmmmmm, hay (hikab) teka mga kaibigan, ako ay nahihilo di sa anong amoy.o lambanog ..nahihilo na ako sa antok at kailangang maaga pa ako magising....sa susunod na kabanata na lang...magandang gabi sa inyong lahat...kailangang ako ay magpaalam at di ko namamalayan madaling araw na pala.....
usertype:6 tt= 0
BOYONG_BUBUYOG
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 558# 



Rank:none
Score:35
Posts:7
From: USA

Re:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:06/01/2009 17:58:39)

Kaibigang paruparo ng ligaw,  matalinhaga at nakababahala ang mga binitawan mong kataga na nauukol sa akin. Tila ba may nais kang ipakahulugan nguni’t hindi ka nakasisiguro.  Ito ba ay isang paraan upang lubusan mong matanto ang misteryong nakabalot sa aking abang pagkatao, I mean pagkabubuyog?  Huwag kang malito kaibigang butterfly, iisa lang ang pinagbuhusan ko ng matinding pagmamahal sa buhay ko. Kung hindi man nakamit ang tugon sa unang pagkakataon ay hindi naman ako sumuko at tinaglay ko ang pagibig na ito sa napakahabang panahon. Siya ang una kong pagibig kaibigang butterfly, at siya din ang magiging huli. Kung sakali mang naibahagi ko ang taglay na pagmamahal sa ibang ligaw na bulaklak, yun ay dala lamang ng aking pangungulila at kalungkutan sa panahong siya ay wala at malayo sa aking piling.  Siya na nga kaibigang butterfly, siya na nga ang itinakda at kung hindi siya ay wala ng iba pa.  Tama ka, hindi maitatatwa ang nakabakas na kaligayahan sa aking puso at buong pagkatao. Ngayon ay handa na akong mabuhay muli upang gampanan ang pagkakataong   ipinagkaloob sa akin ng Maykapal. Ito ay ang maipalasap ang pagmamahal na taos at walang kapantay sa isang bulaklak na nagtaglay at nagalay ng kanyang nectar upang muli kong maramdaman at malasap ang kapangyarihan ng tunay na pagmamahal.  

Nguni’t sino nga ba ako kaibigang paruparo?  Bubuyog akong naligaw dito sa iyong hardin at hindi na lumabas dahil sa nadamang katapatan at taos pusong pagbibigayan o pagpapalitan ng mga payo at haka-haka ng mga matatapat na kaibigan na walang halong pagiimbot, pagkekembot, o panlalambot.  Lagi ko ring inaabangan ang mga katangi-tanging kurukuro at opinion ni kaibigang Alamid na noon pa mang ating kabataan ay hinangaan ko na at nirespeto ang angkin niyang talino.  Ang lawak ng kaalaman ni kaibigang Styx ay hindi rin maipapaisantabi at larawan lamang ito ng isang taong ganap na nagsumikap upang ang kanyang kaalaman ay lumawak at maging kapakipakinabang.   Ang mga maiikling kuwento ni pareng Kuwago at Batute, ang mga nakalulugod na pagpapayo at pagbibigay opinyon ni Diwata at Paraluman, at sa iba pa nating masugid na nagbibigay buhay sa mga talaktakan, saludo ako at sana ay manatiling “harmonious” at tapat sa mga natagpuang kaibigan ang isa’t-isa.

Hanggang sa muli.

usertype:6 tt= 0
Paraluman
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 559# 



Rank:none
Score:70
Posts:14
From: Philippines

RE:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:06/02/2009 17:30:47)

Napakagandang pagmasdan ang inyong kasiyahan na para bang wala ng katapusan. Nakakatuwang pagmasdam ang paruprung ligaw na lasing.
Nais ko sanang magdala ng letchon pero sa kadahilanang sa  swine flu virus, di ko magawang magdala sa ating piging. Tama na ang isdang galing kay Alamid, ligtas pang kainin dahil wala pa namang red tide ang karagatan sa ating silid.
Pero namalas ko si Boyong kahit anong saya ninyo, may lungkot paring naka tago sa kanyang pagkabubuyog. Hanggang ngayon parin ba hindi pa rin natatagpuan ang tunay na pag-ibig ng bubuyog na ito. Ang akala ko ay masaya na siya sa kanyang kapilang na si Bulaklak sa Parang.Ano ba talaga ang nais mo kaibigan Boyong? Ang mabuti pa ay sumama ka na lang kina Sytx magharana sa Binibining hinahangaan nya. Pasasamahin ko ring itong tatlong amerkano na kaibigan ko upang makatulong sa paghaharana ninyo. H'wag mag-alala marunong sila magsalita sa ating wika.Kaya ang mabuti pa ay magkantahan na lang muna kayo.Ako'y magpapaalam na sa inyo.
usertype:6 tt= 0
Paruparung_Ligaw
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 560# 



Rank:none
Score:60
Posts:12
From: USA

Re:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:06/03/2009 01:51:28)

Ang awiting ito ay hinahandog ko sa mga taong nagmahal, nang muli nilang natagpuan ang kanilang dating kasintahan o minamahal ng di sinasadyang pagkakataon at muling nagpakaba at nagpalakas sa pagpintig ng kanilang puso.  Bakit ganoon? Parang may kirot pa rin sa dibdib, hmmm ang ibig sabihin ay may puwang pa rin siya sa abang puso nito...Napakaraming tanong...Bakit kaya walang masabi bagkus naumid pa ang dila, walang naibigkas kundi KAMUSTA KA?  Bakit ang hirap kalimutan ang isang taong minahal mo? Halika kaibigan, ating awitin ang kantang ito....

           Kumusta ka?

Ikaw ay walang pinag-iba,
Ganyan ka rin nang tayo ay huling magkita
Tandang-tanda ko pa habang ako'y papalayo,
Tinitingnan kita hanggang wala ka na.

            Kumusta ka?
May ibang kislap ang yong mata;
Halata na ang daigdig mo ngayon ay kay saya.
Siguro ay nagmamahal ka na ng totoo;
S'ya ba'y katulad ko nung tayong dalawa?

O kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka, mayakap at muli pang mahagkan;
Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal,
Walang masabi kundi kumusta ka.

             Kumusta ka?
Ano ba'ng dapat sabihin pa?
Dibdib ko'y malakas na namang kumakaba
Dapat kayang malaman mong hindi nagbabago
Hanggang ngayon, sinta mahal pa rin kita

 O kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka, mayakap at muli pang mahagkan;
Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal,
Walang masabi kundi kumusta ka.







     

usertype:6 tt= 0
Ex-member
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 561# 



RE:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:06/04/2009 11:57:24)

SA INYO MGA KAIBIGAN,

UMAGANG KAYGANDA SA INYONG LAHAT,MATULING HUMIWALAY NA NAMAN AT PAKAWAY-KAWAY PA ANG BUWAN NG MAYO,AT TULAD NG ATING NAKAGAWIAN AY PALAGING MAY HANDANG MAGANDANG KUWENTO ANG MGA KAIBIGAN,KAHIT NA SILA MAN  AY ABALA SA KANILANG MGA GAWAIN SA ARAW-ARAW,PILIT PARING PINUPUNAN ANG MGA ARAW NG KANILANG PAGLILIBAN,TULAD DIN NI PARU-PARONG LIGAW NA NAGHAHANDA NG ISANG MALAKING PIGING PARA SA MGA KAIBIGAN,ISANG MAGANDANG SUHESTIYON ANG MAGSAMA SAMA SA ISANG KASIYAHAN ANG TULAD NATING MGA MAY KABABAANG LOOB AT MAKIISA SA ARAW NG PAGDIRIWANG,SA IYO KAIBIGANG PARU-PARO ,HALOS LAHAT NA NG SULOK NG MATAIN AY AKIN NANG SINIYASAT UPANG HANAPIN ANG MGA MAG-TUTUBA ,NGUNIT AKO`Y BIGO NA MAKITA SILA SA KADAHILANANG SILA`Y NAGSIPANAW NA SA MUNDONG IBABAW AT NI ISANG PATAK NG LAMBANOG AY WALA AKONG MAKITA,SA IBA PANG MGA KAIBIGANG TULAD NILA BOYONG BUBUYOG,BADONG,DIWATA,BATUTE,ALAMID,PARALUMAN,AT IBA PA,SANA`Y ISANG MAGANDANG PAGDIRIWANG ANG ATING MATATAMASA HABANG SI DIWATA AT PANAY ANG SAYAW NG "BUBUKA ANG BULAKLAK" BUBUKA ANG BULAKLAK,MAAARING MAGING SI TEDDY AY MAKADALO PARA MAIPAGPATULOY ANG NAUNSIYAMING KALIGAYAHAN SA PILING NI DIWATA,AT SINISIGURO KONG SA SANDALING MAGKITA SILA NI TEDDY AY TULUYAN NANG BUBUKA ANG BULAKLAK SA TABING ILOG,AKO`Y MAGPAPAALAM NA MUNA SA INYO MGA KAIBIGAN ,HANGGANG SA MULI,

AKO ITO
STYX
Ex-member
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 562# 



RE:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:06/04/2009 14:18:17)

                 ALAMAT NA KAIBIGAN

  MAGMULA NG MASILAYAN ANG ILAW NG BUHAY

  MAHIWAGA TALAGA HANGGANG KAMATAYAN

  WARIIN KO MAN TILA WALANG KATAPUSAN

  BUHAY SA MUNDO LUBHANG NAPAKAGULO

 
  KALIGAYAHAN KILALA HABANG MAY HININGA

  ANUMANG MAPAGLARONG KAPALARAN AY TARUKIN

  PIPILITING SAGIPIN KAHIT MAPAIT ANG LASAPIN

  ITO ANG HAHARAPIN HANGGANG KABIGUAN AY MASUPIL

 
  MASAYA,WALANG KALUNGKUTAN  BUHAY NG KAIBIGAN

  MAHIMBING MATULOG , KUMAIN MASARAP

  KABIGUAN O MASAMANG  KAPALARAN

  SA PUSO AT DIWA NI HINDI MARAMDAMAN,


  ANG BUHAY NG TAO PARANG SARANGGOLA

  PAGKATAYUG-TAYUG  KUNG LUMIPAD

  SUBALIT KUNG ANG HANGIN ITO`Y KALAWITIN

  MAHUHULOG SA LUPA AT MAGKAKAGULA-GULANIT


  GANITO ANG BUHAY NG TAO

  SUMANDALING KALIGAYAHAN MARARANASAN

  DAGOK NG TADHANA NI HINDI MO INAASAHAN

  TANGGAPIN NATIN NG MALUALHATI ANG ATING KAPALARAN,


hindi ko minimithi na ako`y iyong pasalamatan, ikaw at ang aking nakakatandang kapatid ay may pinagsamahan, na mahirap ipagwalang bahala na lamang,hindi man ako gaanong makatugon sa iyong mga tulain ay akin na lamang minamalas ang iyong mga kataga ,na minsan ay sadyang may mga hinanakit sa kung kanino,labis din akong naguguluhan sa iba mo pang mga tulain,na minsan ay hindi ko maarok ang kahulugan,wag mo sanang ikasama ng loob ang aking mga katanungan kaibigan,hanggang sa muli kaibigan,kapayapaan para sa iyo ang aking dalangin,

ako ito
Daniel
diwatangkakahuyanglupa
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 563# 



From: USA

RE:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:06/05/2009 12:18:51)

Sa akin mga kaibigan magandang araw at masayang pagbati sa iyong lahat at sa mga ngiti kong kumukutikutitap.Natapos na ang kasiyahang handa ni Paruparung Ligaw sa lahat, naisip-isip ko hindi din kaya ito ay piging nang kasayahan sa aking paglisan? Baka naman maagang pagbati sa darating na pagdiriwang ng "ARAW NG KALAYAAN" sa isang linggo. Siguro nga.

Isang araw nagkita kami ni Ginang T5 sa tambayan ng magkakaibigan,at kami ay nag kwentuhan.Maraming paksa ang aming natalakay kasama na doon ang tibok ng pusong umiibig.Di ko sukat akalain ito palang si Ginang ay karibal ko kay kuyang, ang pagkakaalam ko ay wala siyang na raramdamang kahit kunting pagtingin kay kuyang. Nang na banggit ko ang pangalan ni kuyang sa kanya bigla nyang sinabi sa akin at panatong na kung pinagsiselos ko ba daw siya kasi gusto rin daw pala nya si kuyang. Hindi ko alam, sabi ko sa kanya, kanya na lang si Boyong Bubuyog kasi bagay sila, matangkad at makisig ang porma.Pero ayaw pumayag ni Ginang. Kung nakikinig ka man Ginang, paumanhin kasi parang na babato balani ako kay kuyang sa taglay ng buhok na puno ng pumada na tatak ay beatles pa yata o di kaya 3 flowers,buhok na animo pinalansa.Mayroon naman kayang patilya yan. Sa polong kuwelyo ay patayo pa na ala Elvis Presley. Ang pantalon na kala mo saya sa lapad ng sidsid  parang metro aid na nagwawalis sa karsada. Mayroon pa rin ba kayang lalaki na katulad ni kuyang manamit  ngayon.Sana mayroon akong makita upang mabaling sa kanya ang pagtingin ko na para sana kay kuyang, ipapaubaya ko na lang kay Ginang si kuyang.Kaya sa mga kaibigan dito na sila Alamid, Badong,Styx, Batute, Paruparung Ligaw, Paraluman, Bulaklak sa Parang at kay Boyong, baka may makita kayong tulad ni kuyang parang si Mr Suabe,makisig at laging plansado ang buhok. Ipagbigay alam agad sa akin baka iyon ang kapalit na ni Teddy.

At ang pagkakataon ding ito na magpapaalam din ako sa inyo,hanggang sa susunod na pagbabalik ko sana may matagpuan na kayong ka palit ni Teddy ko.Pangsumandaling iiwan ko na kayong lahat dito, hanggang sa susunod na
buwan. GOODBYE !!!
Isang awitin alay ko sa inyong lahat.
Magbabalik, 
Diwata

usertype:5 tt= 0
Paraluman
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 564# 



Rank:none
Score:70
Posts:14
From: Philippines

RE:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:06/06/2009 14:03:41)

This is for you Diwata... HAPPY TRIP!!!
There was a certain face. That filled a thousand nights. With all the sweetest dreams and promises of paradise.
But that face was gone. Now at last you're here and I can tell. Something in your eyes it seems is all we've ever wanted and something in your smile for us, is calling out our names. Your eyes it seems are mirrors of our dreams.
Enjoy!
Paraluman











usertype:6 tt= 0
diwatangkakahuyanglupa
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 565# 



From: USA

RE:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:06/11/2009 00:31:56)

kaibigan sa inyong lahat magandang araw,pinagsikapang maka pasok dito sa ating silid upang kayo ay makadaupang palad at maka  piling sumandali. Ngunit ako'y bigo ng labis, isa man sa mga kaibigan ay walang na silayan.

Umalis  ako at nagbalik sa Inang Bayan, upang dating mga kamag-anak at daming mga kaibigan na, na palayo sa kin ng matagal ay matagpuan. Ngunit sa aking pagpasok dito sa ating silid ang akala ko ay masisilayan ang mga dating kaibigan dito.Pero ngayon ay wala. Nasaan na man kaya silang lahat,sana lahat kayo ay ligtas sa mga kaibigan.

Sabik sa inyo mga kaibigan,
diwata
usertype:5 tt= 0
lein_66
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 566# 



Rank:none
Score:40
Posts:8
From: Philippines

RE:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:06/11/2009 21:40:16)

magandang araw din sa iyo diwata,

Naririyan kana pala sa inang bayan? kamusta naman ang ating mga kababayan diyan sa lupang tinubuan?
kami naman ay naririto lang sa paligid at nagmamasid masid sa iba pang mga kaibigan,maging ang iba ay pawang abala lamang sa mga gawain at bihirang makasilip dito sa ating silid,nakita mo na ba si teddy na iyong kinahuhumalingan? siguro halos naguumapaw ang iyong kaligayahan dahil malapit na kayong magkita at inyong ituloy ang kantang bubuka ang bulaklak bubuka ang bulaklak,wala sigurong masasayang na sandali sa muli ninyong pagkikita,mabuti naman at kahit papaano ay nakakasilip ka rito sa ating silid,kami man ay nalulungkot sa iyo dahil naririyan ka sa malayo,ngunit yun naman ay para makita mo ulit ang inang bayan,nasa paninilbihan ako ngayon at napasilip lamang upang tugunin ang iyong panambitan,mag-iingat ka lamang sanang palagi riyan kaibigan at kami ay naririto palagi para sa iyo,magpapaalam na ako ,hanggang sa muli,

ang iyong kaibigan
lein
usertype:6 tt= 0
diwatangkakahuyanglupa
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 567# 



From: USA

Re:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:06/13/2009 07:41:56)

Kumusta mga kaibigan,
Sa iyong mga katanungan kaibigan Lein, sa aking pagbalik sa banyagang lupa ay isasalaysay ko ang mga pangyayari sa aking masayang bakasyon,at lalong lalo na ang tanong mo tungkol kay Teddy. Hayaan mo na lang ang mga sumandaling ito ay lasapin ko at pagsawaan ang bawat oras at araw sa paglalagi ko dito sa ating Inang Bayan.

Napakainit dito sa ngayon kahit pa sabihing panahon ng tag-ulan.Tumatagaktak ang pawis na parang naliligo ka na.Kung maari nga lang na ayaw ko mang lumabas ng aking tahanan pero, kailangan dahil sabik sa mga kaibigan na matagal ng di na kikita.

Akoy magpapaalam na sa inyo at ako ay magbabalik, upang kahit sa pamamagitan dito kayo ay makapiling ko.
Magandang araw,
Diwata
usertype:5 tt= 0
BOYONG_BUBUYOG
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 568# 



Rank:none
Score:35
Posts:7
From: USA

Re:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:06/13/2009 08:20:31)

Sa inyo mga tunay na kaibigan, isang pagpupugay ang nais kong iparating. Halos malapit na naman matapos ang kalahati ng taong 2009 at isang pahina na naman ang malalagas sa aklat ng panahon. Tunay ngang napakabilis ng takbo ng oras kung kaya’t huwag nating sayangin ito at bagkus ay ating ilaan ang natitira pa nating lakas at panahon sa pagtupad ng mga layuning makabubuti at makakatulong na makamit ang pansariling kaligayahan at sa ating kapwa at mga mahal sa buhay.

Sa  nakaraang mga araw ay maraming mga bagaybagay na nangyari sa aking buhay ang malalim kong pinagisipan. Napagtanto ko lalo ang kapangyarihan ng Maykapal at kung papaano Niya naisasakatuparan ang mga planong kanyang itinakda sa bawat nilalang. Pinagtagpitagpi kong ang mga pangyayari at matapos ang mga pighati at sakripisyo na aking pinagdaanan sa buhay ay isang walang kapantay na kaligayahan naman ngayon ang kanyang ipinagkaloob sa akin.  Ang kandila ng buhay ay hindi humihinto sa pagkaupos habang ito ay may sindi. Sa nalalabi pa nitong liwanag habang nakasindi ay dapat nating isakatuparan ang mga nauukol nating gawain para sa ating sarili at mga minamahal sa buhay. Hindi natin alam kung kailan darating ang isang malakas na hangin na maaring kumitil sa liwanag na idinudulot ng kandila. 

Sa’yo aking mahal, magandang umaga. At sa inyo mga kapatid, pagpalain nawa tayong lahat ng Maykapal at mabahaginan ng mas maliwanag na apoy ang ating kandila.

Hanggang sa muli.

usertype:6 tt= 0
diwatangkakahuyanglupa
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 569# 



From: USA

Re:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:06/17/2009 07:15:07)

 Magandang gabi sa lahat ng kaibigan, nabigyan na naman ako ng pagkakataong makapasok dito sa ating silid ng talakan.Bakit ang mga pagsalaysay ni kaibigang Boyong ay napaka lungkot. Sa wari ko parang may kirot at hapding naka tarak sa kanyang damdamin. Hanggang kailan kaya ang damdaming sawi na umiinog sa iyong pagkatao, sa totoo lang kaibigan ako ay naguguluhan sa iyo, at hindi ko alam kong paanong tulong ang sa akin ay maibigay sa iyo. Nais kong tumulong sa iyo kaibigan upang mapawi kung anong sakit at kirot na iyong nararanasan.

Sa aking kaibigang Styx, kumusta ka na? Wala man lang akong na ririnig na balita sa iyo, gayon din sa ibang kaibigang na tulad nila Alamid, Badong, Paraluman at sa lahat. Pangungumusta lang ang tanong ko sa inyong lahat. Lalong lalo na sa kaibigang Ginang.Ipaabot din ang aking pangungumusta sa iyong kabiyak kaibigang Ginang.

Hanggang sa susunod na pagbabalik, ako ito.
Diwata
usertype:5 tt= 0
Ex-member
Share to: Facebook Twitter MSN linkedin google yahoo 570# 



Re:Usapang T2 and T4 (Dear Kuaya Eddie Style)
(Date Posted:06/17/2009 20:28:38)

Sa iyo Marikit na Diwata,

Magandang gabi rin sa iyo,walang kahulilip na ligaya ang ika`y mamataan dito sa ating silid,Araw at linggo man ang matuling lumipas ay wala paring pagbabago ang iyong karikitan,ang iba naman nating mga kaibigan ay wala akong nalalaman kung nasaan sila ngayon,mula nang ikaw ay umuwi sa lupang sinilangan ay naging madalang na ang kanilang pagsilip dito sa ating silid,ako`y nagpapasalamat at kahit ika`y abala sa paghahanap mo kay teddy o ipapalit sa kanya ay nakakasilip ka parin,nakakita ka na ba ng bagong teddy? siguro makisig din siyang katulad ni teddy ano?ako naman ay nasa maayos na kalagayan at patuloy paring naghahantay sa iyong pagbabalik dito sa lugar ng mga banyaga,wala narin akong balita kay Orbe ewan ko? abala ako dito ngayon sa kadahilanang katatapos lamang ng sarang klase kaya maraming mga gawain ang naghihintay sa akin,sumilip lamang ako para tugunin ang iyong panaghoy na tila ba`y umaalingawngaw sa tahimik na gabi,ako`y magpapaalam na sa iyo,

kamusta na rin ang ibang mga kaibigan,badong,alamid,boyong,batute,paru-paro,bulaklak at iba pa, hanggang sa muli mga kaibigan asahan ko ang inyong pagsilip dito sa ating silid,

ako ito
STYX 
<<Previous ThreadNext Thread>>
Page 19 / 22    
New Topic New Poll
Sign Up | Create | About Us | SiteMap | Features | Forums | Show Off | Faq | Help
Copyright © 2000-2014 Aimoo Free Forum All rights reserved.

Get cheapest China Wholesale,  China Wholesale Supplier,  to be a retailer is easy now.
LUFFY LUFFY LUFFY LUFFY LUFFY LUFFY
LUFFY LUFFY LUFFY LUFFY LUFFY